Peso Korner

Peso Korner

Saturday, June 27, 2015

Inflation… Ano daw?

Magkano yung pinakamurang pamasahe sa jeep na naabutan mo? Ako P0.50 student fare (almost 30 years ago), inis na inis pa ako pag nakalimutan ko school ID ko kasi I have to pay regular fare na P0.75.  Magkano pamasahe ngayon? P6 student fare right? Imagine in a span of almost 30 years tumaas ang pamasahe ng P5.50, which is 12 times  the original cost! Oo tumaba ka nga pero for 1 pa din naman sakop ng upo mo di ba? So ano ang salarin? INFLATION!

Isang example pa, nung bata pa tayo pag pumunta ka sa tindahan at meron kang P1, dami ka pang mabibili di ba? Ngayon bigyan mo ang anak mo ng piso, isang pirasong maliit na kendi nalang mabibili nya. Bakit? Dahil sa INFLATION!
According to Investopedia: Inflation is defined as a sustained increase in the general level of prices for goods and services. It is measured as an annual percentage increase. As inflation rises, every dollar you own buys a smaller percentage of a good or service. 

Mahirap tiyakin kung anong sanhi ng inflation depende kasi yan sa ekonomiya, kada taas ng presyo ng gasolina at pangunahing bilihin, tataas na din pamasahe, mag re-request na ng increase ng sweldo ang mga manggagawa, tataas ang cost ng mga kumpanya kaya sila din magtataas ng presyo ng kanilang produkto. It's a domino effect.

So paano labanan ang inflation? Siguraduhin na ang ipon ninyo ay kumikita ng mas mataas sa inflation rate.

Safe ba ang pera mo sa savings account lang? Eto check mo:



Pag may P10,000 ka na savings and you deposited it sa savings account, kikita ang pera mo ng P25 sa loob ng isang taon. Pero dahil sa inflation nalugi ka pa! Imagine yung P10,000 mo naging P9,725 nalang!



So ano ang dapat gawin? Invest your money wisely, dun sa kikita ka ng higit sa 3% inflation rate. Kahit ang regular interest rate ng time deposit accounts as of this writing is below the 3% inflation rate. 

You have so many options and of course everything depends on your financial capability and objective. Pwedeng negosyo, mutual funds, investment in stocks or properties. Actually napakarami, you can start by going to your bank and asking them of investment products they are offering, cross out those offering earnings below the inflation rate and short list all options that sounds good to you then weigh each pros and cons. Goodluck and make sure to beat that Inflation!! 





No comments:

Post a Comment